
Eto na syempre ayoko ng ako lang ang mag eenjoy sinisiguro ko na mag eenjoy din ang aking mag iina dahil eto na ang pagkakataon upang makabawi ako sa mga oras na hindi nila ako kasama. Alam mo naman pag teacher ka mahahati ang oras mo sa trabaho mo at sa pamilya mo pero syempre dapat maintindihan ng mga asawa ng teacher na ginagawa nila yun para din sa kanila at sa kanilang mga anak.
![]() |
Mas masaya ang summer kong kasama mo ang karamihan ng iyong pamilya. Ito ay hindi mapapantayan nang kahit na ano pang mamahaling bagay na pwd mong maibigay sa iyong pamilya. Ang bakas ng ngiti sa bawat isa ay para bang walang katapusan at alam kong isa ito sa nagpapatibay ng relasyon naming pamilya. Lumipad man patungo sa ibang bansa ang karamihan sa amin hindi napuputol ang ang aming ugnayan bilang isang pamilya.Pinapatibay ito nang mga ala alang pinagsaluhan namin hindi lang tuwing summer kondi sa mga importanteng okasyon sa aming pamilya.
Kapag may pagkakataon binibisita ko rin ang aking pamilya sa side nang erpat ko, kahit na hindi sila ang nakasanayan ko hanggang sa lumaki ako hinahanap hanap pa rin sila ng puso ko at hindi maikakailang sa kanila ako nagmula dahil ang mukha namin ay iisa hehe tama magkakamukha kaming mga regidor. Binibigyan ko rin sila nang oras kong kayat kahit pati ang aking oras binadget ko. Tuwing pasko dito ako sa aking Pamilya na nagpalaki at bumuo sa aking pagkatao. Tuwing New Year naman sa pamilya ako ng erpats ko.
Syempre simula nong pakasalan ko ang aking misis nadagdagan ang aking pamilya. Kung kayat kong ano man ang binibigay kong attention sa aking pamilya ganun din ang binibigay ko sa pamilya ng asawa ko na kasama sa tinanggap ko noong pinakasalan ko sya.
Para kasi sa akin ang enjoyment tuwing summer ay hindi mo makakamit sa ganda ng mga lugar na iyong pinupuntahan kundi sa dami nang iyong pamilya na napawi ang lungkot at pangungulila sa iyo habang ikaw ay nasa malayo. Kong kayat ang bakasyon ang pinakamagandang araw upang bisitahin ang mga kamag anak mong nasa malalayong lugar.
At kapag nakasama mo na sila para bang hindi mo na kayang hintayin ang umaga upang mag enjoy kasama sila kaya nga eto o kahit gabi nag enjoy kami at nagtampisaw sa buhos ng ulan sarap diba. Hindi mo kailangan ng mga pool oh ng dagat para mag picnic basta magkakasama kayo enjoy kayo.......
Apat kaming magkakapatidtatlo kaming lalaki at may isang
babae. Close kami sa isat isa kahit
na hindi nila ako nakakasama
sa aming pag laki. Dinadalaw ko
kasi sila tuwing summer upang
makapag jamming kami.

Syempre pangalawa na ang mga lugar na gusto mong puntahan at maenjoy kasama ang iyong pamilya lalo na ng iyong asawa. Syempre kasama ang aming anak di nyo nga lang makikita dahil nasa loob pa sya ng tiyan ni misis hehe. Sobrang saya ko nang makita ko ang aking asawa na masayang masaya dahil first time namin sa baguio at narating pa namin ang highest point. Ang pinaka masaya mong mararamdaman ngayong summer ang ang makitang masaya ang iyong pamilya.
Kung nagtitipid ka nman may sulosyon ako jan total nag layas ka na lang rin daanan mo na ang mga famous na lugar na pwede mong madaanan at hanggat maaari kumuha ka ng litrato katibayan na ikaw ay nakarating na sa lugar nayan. Wag mo nalang sabihin na sa labas ka lang hehe mahal kasi entrance ayan oh tamang pa picture lang sa pangalan hehe.
Papicture ka rin sa artista pagmay time. Kahit na hindi kayo nalalayo ng itsura ng artista maganda pa din yang souvenir.
MAG ENJOY KAYO NGAYONG SUMMER NANG MAWALA ANG STRESS SA BUHAY.
GUD NIGHT..........

.jpg)







