Haist napunta na tuloy sa kadramahan haha o sya sige tatapusin ko na muna sa ngayun ang aking pagsusulat antok na rin ako eh. Siya nga pala pagpasensyahan nyo na hindi ako magaling sa blog at hindi rin ako magaling magsulat ang gusto ko lang mangyare ay mailathala ko ang nasa sa loob ko.Pssssssssssssssssssssst
Martes, Abril 14, 2015
Im Back
Kamusta medyo matagal tagal na rin simula noong huli kong post trying hard lang kasi ako sa ganitong larangan kaya minsan tinatamad saka naging abala din pala ako sa aking pamilya at sa pag hanap ng paraan upang mabigyan ko sila ng maayos na buhay. Pagkatapus nga pala nang huli kong post naging abala ako sa pag-aaral, opo tama po ang nabasa ninyo nag-aral po akong muli upang matupad ko ang pinaka gusto kong trabaho yun ay ang magturo. Nag enroll ako ng Methods for teaching sa Aquinas University at natapus ko yun sa loob lamang ng tatlong buwan. Pagkatapos ay nag enroll ako sa review center upang mas maging handa ako sa darating na LET examination. At syempre hindi naman sa pagbubuhat ng bangko dahil sa kagustuhan kong bigyan ng maayos na buhay ang aking mag-iina nagsumikap ako sa aking pag review at hindi nga ako binigo ni Bro sabi nga nasa Diyos ang awa nasa tao ang gawa at yun ang isa sa pinaniwalaan at kinapitan ko upang makapasa ako.Nagtuloy tuloy ang biyayang natamo ko dahil nagkaroon agad ng Mass Hiring ang DepEd sa Camarines Norte. May halong kaba sa dibdib at nag dadalwa dalwa ang aking isipan kong mag aaply ba ako o hindi kasi naman parang biglaan ang mga pangyayare tatlong buwan lang ako sa pag-aaral nang education tapus sasabak agad sa pagtuturo para bang isang napakagandang panaginip na nooy nawalan ako ng pag asang magiging teacher ako dahil hindi naman ako matalino at hinding hindi nga ako nakakapasa sa mga entrants exam eh. Pero syempre sabi ko nga para sa pamilya ko lahat ng ginagawa ko kaya nangibabaw na naman ang pinakaipinagmamalake kong assets (bukod sa itsura ko hehe) ang kalakasan ng loob. Nag aplly ako at napagtagumpayan ko lahat ng pag subok at ngayun dito na ako nagtuturo sa aking bayang sinilangan sa Gumaus National High School Paracale Camarines Norte. Ang dami agad nangyare di ba kaya ngayun naniniwala na ako na walang imposeble sa pangarap kong iyong pagsisikapan at sasamahan mo pa ng mga taong nagbibigay inspirasyon sayo upang magtagumpay. Gustong gusto ko ang mga nangyare sa aking buhay maliban sa isang pangyayare na halos ikagunaw nang aking mundo yun ay ang pagkamatay nang aking lola si Anma kong tawagin namin (hango sa salitang Grandma) isa sya sa pinaka dahilan kong bakit ako nagsusumikap sa buhay, siya ang laging kasa kasama ko noong maliit pa ako iyakan ko, hingian ko ng piso at kahit labag sa kalooban ko noon dahil bata pa ako at mainipin lagi kaming nag rorosaryo bago matulog. Mahal na mahal ko siya kaya halos magunaw ang aking mundo hindi ko man lang nakita ang reaksyon nya kong nalaman nya na teacher na ako siguro hahagulhol yun sa iyak hay nako nakaka mis na siya kaya Ma kung saan ka man naroon sana magkita pa tayo pero hindi pa ngayon patandain mo muna ako hehe I LOVE YOU so much ma hindi hindi ka mawawala sa pusot isipan ko.
Haist napunta na tuloy sa kadramahan haha o sya sige tatapusin ko na muna sa ngayun ang aking pagsusulat antok na rin ako eh. Siya nga pala pagpasensyahan nyo na hindi ako magaling sa blog at hindi rin ako magaling magsulat ang gusto ko lang mangyare ay mailathala ko ang nasa sa loob ko.Pssssssssssssssssssssst
My Family

Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento