Huwebes, Abril 16, 2015

Summer Time Kasama ang Buong Pamilya

Siguro naman lahat ng tao naeexcite sa pag dating ng summer lalo na kaming mga guro na tuwing summer lang nagkakaroon ng oras na mamasyal, magrelax at higit sa lahat makasama ang pamilya. Kaya naman ang abril at mayo ang pinaka aabangan kong buwan dahil bukod sa mag eenjoy ka kasama ng iyong buong pamilya eh tumatanggap ka pa rin ng sweldo hehe salamat sa gobyerno.

Eto na syempre ayoko ng ako lang ang mag eenjoy sinisiguro ko na mag eenjoy din ang aking mag iina dahil eto na ang pagkakataon upang   makabawi ako sa mga oras na hindi nila ako kasama. Alam mo naman pag teacher ka mahahati ang oras mo sa trabaho mo at sa pamilya mo pero syempre dapat maintindihan ng mga asawa ng teacher na ginagawa nila yun para din sa kanila at sa kanilang mga anak.




   Mas masaya ang summer kong kasama mo ang karamihan ng iyong pamilya. Ito ay hindi mapapantayan nang kahit na ano pang mamahaling bagay na pwd mong maibigay sa iyong pamilya. Ang bakas ng ngiti sa bawat isa ay para bang walang katapusan at alam kong isa ito sa nagpapatibay ng relasyon naming pamilya. Lumipad man patungo sa ibang bansa ang karamihan sa amin hindi napuputol ang ang aming ugnayan bilang isang pamilya.Pinapatibay ito nang mga ala alang pinagsaluhan namin hindi lang tuwing summer kondi sa mga importanteng okasyon sa aming pamilya.


                                                                                  Kapag may pagkakataon binibisita ko rin ang aking pamilya sa side nang erpat ko, kahit na hindi sila ang nakasanayan ko hanggang sa lumaki ako hinahanap hanap pa rin sila ng puso ko at hindi maikakailang sa kanila ako nagmula dahil ang mukha namin ay iisa hehe tama magkakamukha kaming mga regidor. Binibigyan ko rin sila nang oras kong kayat kahit pati ang aking oras binadget ko. Tuwing pasko dito ako sa aking Pamilya na nagpalaki at bumuo sa aking pagkatao. Tuwing New Year naman sa pamilya ako ng erpats ko.


Syempre simula nong pakasalan ko ang aking misis nadagdagan ang aking pamilya. Kung kayat kong ano man ang binibigay kong attention sa aking pamilya ganun din ang binibigay ko sa pamilya ng asawa ko na kasama sa tinanggap ko noong pinakasalan ko sya.

Para kasi sa akin ang enjoyment tuwing summer ay hindi mo makakamit sa ganda ng mga lugar na iyong pinupuntahan kundi sa dami nang iyong pamilya na napawi ang lungkot at pangungulila sa iyo habang ikaw ay nasa malayo. Kong kayat ang bakasyon ang pinakamagandang araw upang bisitahin ang mga kamag anak mong nasa malalayong lugar.

 At kapag nakasama mo na sila para bang hindi mo na kayang hintayin ang umaga upang mag enjoy kasama sila kaya nga eto o kahit gabi nag enjoy kami at nagtampisaw sa buhos ng ulan sarap diba. Hindi mo kailangan ng mga pool oh ng dagat para mag picnic basta magkakasama kayo enjoy kayo.......
  Apat kaming magkakapatid
tatlo kaming lalaki at may isang
babae. Close kami sa isat isa kahit
na hindi nila ako nakakasama
sa aming pag laki. Dinadalaw ko
kasi sila tuwing summer upang
makapag jamming kami.



Syempre pangalawa na ang mga lugar na gusto mong puntahan at maenjoy kasama ang iyong pamilya lalo na ng iyong asawa. Syempre kasama ang aming anak di nyo nga lang makikita dahil nasa loob pa sya ng tiyan ni misis hehe. Sobrang saya ko nang makita ko ang aking asawa na masayang masaya dahil first time namin sa baguio at narating pa namin ang highest point. Ang pinaka masaya mong mararamdaman ngayong summer ang ang makitang masaya ang iyong pamilya.

Kung nagtitipid ka nman may sulosyon ako jan total nag layas ka na lang rin daanan mo na ang mga famous na lugar na pwede mong madaanan at hanggat maaari kumuha ka ng litrato katibayan na ikaw ay nakarating na sa lugar nayan. Wag mo nalang sabihin na sa labas ka lang hehe mahal kasi entrance ayan oh tamang pa picture lang sa pangalan hehe.




Papicture ka rin sa artista pagmay time. Kahit na hindi kayo nalalayo ng itsura ng artista maganda pa din yang souvenir.

   MAG ENJOY KAYO NGAYONG SUMMER NANG MAWALA ANG STRESS SA BUHAY.
GUD NIGHT..........










Martes, Abril 14, 2015

Im Back

Kamusta medyo matagal tagal na rin simula noong huli kong post trying hard lang kasi ako sa ganitong larangan kaya minsan tinatamad saka naging abala din pala ako sa aking pamilya at sa pag hanap ng paraan upang mabigyan ko sila ng maayos na buhay. Pagkatapus nga pala nang huli kong post naging abala ako sa pag-aaral, opo tama po ang nabasa ninyo nag-aral po akong muli upang matupad ko ang pinaka gusto kong trabaho yun ay ang magturo. Nag enroll ako ng Methods for teaching sa Aquinas University at natapus ko yun sa loob lamang ng tatlong buwan. Pagkatapos ay nag enroll ako sa review center upang mas maging handa ako sa darating na LET examination. At syempre hindi naman sa pagbubuhat ng bangko dahil sa kagustuhan kong bigyan ng maayos na buhay ang aking mag-iina nagsumikap ako sa aking pag review at hindi nga ako binigo ni Bro sabi nga nasa Diyos ang awa nasa tao ang gawa at yun ang isa sa pinaniwalaan at kinapitan ko upang makapasa ako.Nagtuloy tuloy ang biyayang natamo ko dahil nagkaroon agad ng Mass Hiring ang DepEd sa Camarines Norte. May halong kaba sa dibdib at nag dadalwa dalwa ang aking isipan kong mag aaply ba ako o hindi kasi naman parang biglaan ang mga pangyayare tatlong buwan lang ako sa pag-aaral nang education tapus sasabak agad sa pagtuturo para bang isang napakagandang panaginip na nooy nawalan ako ng pag asang magiging teacher ako dahil hindi naman ako matalino at hinding hindi nga ako nakakapasa sa mga entrants exam eh. Pero syempre sabi ko nga para sa pamilya ko lahat ng ginagawa ko kaya  nangibabaw na naman ang pinakaipinagmamalake kong assets (bukod sa itsura ko hehe) ang kalakasan ng loob. Nag aplly ako at napagtagumpayan ko lahat ng pag subok at ngayun dito na ako nagtuturo sa aking bayang sinilangan sa Gumaus National High School Paracale Camarines Norte. Ang dami agad nangyare di ba kaya ngayun naniniwala na ako na walang imposeble sa pangarap kong iyong pagsisikapan at sasamahan mo pa ng mga taong nagbibigay inspirasyon sayo upang magtagumpay. Gustong gusto ko ang mga nangyare sa aking buhay maliban sa isang pangyayare na halos ikagunaw nang aking mundo yun ay ang pagkamatay nang aking lola si Anma kong tawagin namin (hango sa salitang Grandma) isa sya sa pinaka dahilan kong bakit ako nagsusumikap sa buhay, siya ang laging kasa kasama ko noong maliit pa ako iyakan ko, hingian ko ng piso at kahit labag sa kalooban ko noon dahil bata pa ako at mainipin lagi kaming nag rorosaryo bago matulog. Mahal na mahal ko siya kaya halos magunaw ang aking mundo hindi ko man lang nakita ang reaksyon nya kong nalaman nya na teacher na ako siguro hahagulhol yun sa iyak hay nako nakaka mis na siya kaya Ma kung saan ka man naroon sana magkita pa tayo pero hindi pa ngayon patandain mo muna ako hehe I LOVE YOU so much ma hindi hindi ka mawawala sa pusot isipan ko.
Haist napunta na tuloy  sa kadramahan haha o sya sige tatapusin ko na muna sa ngayun ang aking pagsusulat antok na rin ako eh. Siya nga pala pagpasensyahan nyo na hindi ako magaling sa blog at hindi rin ako magaling magsulat ang gusto ko lang mangyare ay mailathala ko ang nasa sa loob ko.Pssssssssssssssssssssst

                                                                             My Family

Miyerkules, Marso 28, 2012

TAGUMPAY NG ISANG MINERO

Malaking tulong na rin sa aking mga kababayan ang pagmimina ng ginto kahit na dilikado at kahit na mahirap naiibigay na man ng trabahong yun ang mga pangunahing panganga ilangan at kapag sinwerte sobra sobra pa sa pangangailangan ang naibibigay nito. Karamihan sa mga minero ay pinag tutuunan ng pansin ang pag aaral ng kanilang mga anak dahil ayaw nilang maranasan ang nararanasan nilang hirap may maipakain lang sa pamilya. Kung kayat marami na rin sa lugar namin ang nakakapagtapus ng pag aaral at ngayun nga ay nakakatulong na sa kanilang pamilya. Tulad ko nagf pursige din sila sa kanikanilang karera upang makatulong sa kanilang pamilya....At upang hindi na rin nila suungin ang landas patungo sa dilikadung tunnel ng minahan.

Linggo, Marso 25, 2012

March 25.2012 Bagong minero isinilang

Noon pa man excited na akong mag karoon ng anak ng mag karoon ako ng pagkakataon nakiusap ako sa aking kasintahan na pag planuhan ito at hindi naman ako nabigo dahil agad naman itong pumayag. Dalawang taon mula nung sagutin ako ng aking kasintahan noon nang umpisahan naming bumuo ng baby, at kahit alam kung mali dahil walang basbas nang diyos itinuloy pa rin namin, isang pagkakamaling hindi ko lubus maisip na kapalit na kaparusahan. Tatlong buwan ng pabalik balik sa Diamond Hotel bago nabuo ang baby. Excited akong masyado ganun talaga siguro kahit sino. Nang dumating ang oras na manganganak na ang kasintahan ko kinakabahan akong maxado dahil kulang pa sa buwan nang mag umpisa itong mag labor halos 7 months palang ng manganak sya. Premature ang baby pero nakita ko kung gano sya kasigla di tuland ng ibang baby na premature din. Pinayagan kami ng doktor na bisitahin ang baby upang padedehin. Tuwang tuwa ako dahil nakabuo ako ng isang napaka gwapung nilalang, sabagay dapat asahan ko yun dahil ako ang ama.. teka may lakad pa ako tuloy ko bukas ....

March 25,2012 Why People Needs Blogger?

Bakit nga ba pinag aaksayahan ko nang oras ang pag ba blog? simple lang, dahil gusto kung gunitain hindi lang sa aking isipan pati na rin sa mga taong makakabasa ng aking blog at makapag bigay inspirasyon naman kahit papaano sa mga taong nawawalan ng pag asa sa buhay lalo na sa mga taong salat sa kaginhawahan at pagmamahal ng sanlibutan. Gusto kung gunitain ang mga masasayang karanasan, adventure at mga pag subok na nalampasan ko. Gusto kung maunawaan nila na lahat ng pagsubok ay kayang lampasan at sa lahat ng pag subok my bumitaw man sa yong tabi laging may nakaabang na karamay at yun ang pamilyang nakasama mo at tahimik na sumosoporta sayo. Dito ko rin nailalabas ang aking imosyon na nakakapag pagaan sa kalooban ko....

Biyernes, Marso 23, 2012

may ginto din sa sapa

Pinag chachagaan na rin ng mgta minero ang paghahanap ng ginto sa sapa khit na konti na lang ang nakukuha dito dahil sa patuloy ang pag kaubos nito sa aming lugar. Pinapala nila ng pinapala ang lupa sa sapa papunta sa umaanud na tubig upang magadgad ito, ang pagpapagadgad ay ang patuloy na pagpapaanod ng buhangin sa umaanod na tubig upang matira ang pinaka head ng buhangin. Matapus ang dalawang oras o higit pang pagadgaran saka ito papandawin at papabirikin naminsyon ko na sa una kung blog kung anu ang pabirik. Dito papabirikin ang head at lalagyan ng kaunting asugi or mercury saka hahaluin ng hahaluin ng kamay upang mag mix ang ginto sa asugi. Paulit ulit lang ang proseso sa buong maghapun pinakamaganda na kung makakuha ng isang gramong ginto or katumbas ng isang libo pero kadalasan ay palay palay lang ang nakukuha sa maghapun na halos kumikita lang ng isang daan maliit lang peru para sa mga minero piagpaguran nila yun sa boung maghapun at masaya na rin sila dahil may pangbigas na rin siola pag uwi nila khit papaano.

proseso sa pagkuha ng ginto sa tunnel

haaaay kapagud grabe maghapun akong nag asikaso ng business papers ang pagud talaga.. San na ba tayo ayun panu nga ba nakukuha ang ginto sa tunnel? pag natuntun na ng mga minero ang mga gintong nakadikit sa bato inuumpisahan na nila itong isako at hinahakot papunta sa "ragmilan" dito ginagawa ang ang proseso sa pagbuo ng ginto. kapag nsa ragmilan na ang isang sakong bato ay isasalang na ito "drum" gawa sa bakal na pabilog. gamit ang drum papaikutin ito gamit ang makina at doon dudurugin sa loob ng drum ang mga bato sa pamamagitan ng rad na nsa loob din ng drum. Wala akong idea kung anung uri ng metal ang rad basta para itong bakal na pahaba ng bilog. lalagyan ng kaunting tubig ang loob ng drum at pag durog na ang mga bato saka ito lalagyan ng asugi, isang nakakalasong chemikal na kung tawagin sa english ay mercury. pagkatapus ng dalawang oras saka ulet gagawin ang proseso. Ibubuhos ang nadurog na bato mula sa drum na bakal papunta naman sa drum na plastic at doon bubuhos buhusan ng tubig hanggang sa pumuntad sa ilali at saka papabirikin. ang pabirik ay isang bagay na hugis payung na gawa sa kahoy. Dito na unti unting tatanggalin ang nadurog na bato hanggang sa matira ang asugi. Habang ginigiling sa loob ng drum ang mga bato ay napagsasama nito ang asugi at ang ginto. Nang makuha na lahat ng asugi saka ito pipigain gamit ang telang nagmula sa payung. Pipigain ito hanggang sa matira ang ginto. Matapus makuha ang ginto inaasido pa ito upang mas maging malinis kapag niluto at saka ito lulutuin gamit ang aseteline. Hanggang sa makita mu na ang tunay na anyo ng ginto. Pagud talaga ako  gang dito na lang muna.