haaaay kapagud grabe maghapun akong nag asikaso ng business papers ang pagud talaga.. San na ba tayo ayun panu nga ba nakukuha ang ginto sa tunnel? pag natuntun na ng mga minero ang mga gintong nakadikit sa bato inuumpisahan na nila itong isako at hinahakot papunta sa "ragmilan" dito ginagawa ang ang proseso sa pagbuo ng ginto. kapag nsa ragmilan na ang isang sakong bato ay isasalang na ito "drum" gawa sa bakal na pabilog. gamit ang drum papaikutin ito gamit ang makina at doon dudurugin sa loob ng drum ang mga bato sa pamamagitan ng rad na nsa loob din ng drum. Wala akong idea kung anung uri ng metal ang rad basta para itong bakal na pahaba ng bilog. lalagyan ng kaunting tubig ang loob ng drum at pag durog na ang mga bato saka ito lalagyan ng asugi, isang nakakalasong chemikal na kung tawagin sa english ay mercury. pagkatapus ng dalawang oras saka ulet gagawin ang proseso. Ibubuhos ang nadurog na bato mula sa drum na bakal papunta naman sa drum na plastic at doon bubuhos buhusan ng tubig hanggang sa pumuntad sa ilali at saka papabirikin. ang pabirik ay isang bagay na hugis payung na gawa sa kahoy. Dito na unti unting tatanggalin ang nadurog na bato hanggang sa matira ang asugi. Habang ginigiling sa loob ng drum ang mga bato ay napagsasama nito ang asugi at ang ginto. Nang makuha na lahat ng asugi saka ito pipigain gamit ang telang nagmula sa payung. Pipigain ito hanggang sa matira ang ginto. Matapus makuha ang ginto inaasido pa ito upang mas maging malinis kapag niluto at saka ito lulutuin gamit ang aseteline. Hanggang sa makita mu na ang tunay na anyo ng ginto. Pagud talaga ako gang dito na lang muna.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento