Miyerkules, Marso 28, 2012

TAGUMPAY NG ISANG MINERO

Malaking tulong na rin sa aking mga kababayan ang pagmimina ng ginto kahit na dilikado at kahit na mahirap naiibigay na man ng trabahong yun ang mga pangunahing panganga ilangan at kapag sinwerte sobra sobra pa sa pangangailangan ang naibibigay nito. Karamihan sa mga minero ay pinag tutuunan ng pansin ang pag aaral ng kanilang mga anak dahil ayaw nilang maranasan ang nararanasan nilang hirap may maipakain lang sa pamilya. Kung kayat marami na rin sa lugar namin ang nakakapagtapus ng pag aaral at ngayun nga ay nakakatulong na sa kanilang pamilya. Tulad ko nagf pursige din sila sa kanikanilang karera upang makatulong sa kanilang pamilya....At upang hindi na rin nila suungin ang landas patungo sa dilikadung tunnel ng minahan.

Linggo, Marso 25, 2012

March 25.2012 Bagong minero isinilang

Noon pa man excited na akong mag karoon ng anak ng mag karoon ako ng pagkakataon nakiusap ako sa aking kasintahan na pag planuhan ito at hindi naman ako nabigo dahil agad naman itong pumayag. Dalawang taon mula nung sagutin ako ng aking kasintahan noon nang umpisahan naming bumuo ng baby, at kahit alam kung mali dahil walang basbas nang diyos itinuloy pa rin namin, isang pagkakamaling hindi ko lubus maisip na kapalit na kaparusahan. Tatlong buwan ng pabalik balik sa Diamond Hotel bago nabuo ang baby. Excited akong masyado ganun talaga siguro kahit sino. Nang dumating ang oras na manganganak na ang kasintahan ko kinakabahan akong maxado dahil kulang pa sa buwan nang mag umpisa itong mag labor halos 7 months palang ng manganak sya. Premature ang baby pero nakita ko kung gano sya kasigla di tuland ng ibang baby na premature din. Pinayagan kami ng doktor na bisitahin ang baby upang padedehin. Tuwang tuwa ako dahil nakabuo ako ng isang napaka gwapung nilalang, sabagay dapat asahan ko yun dahil ako ang ama.. teka may lakad pa ako tuloy ko bukas ....

March 25,2012 Why People Needs Blogger?

Bakit nga ba pinag aaksayahan ko nang oras ang pag ba blog? simple lang, dahil gusto kung gunitain hindi lang sa aking isipan pati na rin sa mga taong makakabasa ng aking blog at makapag bigay inspirasyon naman kahit papaano sa mga taong nawawalan ng pag asa sa buhay lalo na sa mga taong salat sa kaginhawahan at pagmamahal ng sanlibutan. Gusto kung gunitain ang mga masasayang karanasan, adventure at mga pag subok na nalampasan ko. Gusto kung maunawaan nila na lahat ng pagsubok ay kayang lampasan at sa lahat ng pag subok my bumitaw man sa yong tabi laging may nakaabang na karamay at yun ang pamilyang nakasama mo at tahimik na sumosoporta sayo. Dito ko rin nailalabas ang aking imosyon na nakakapag pagaan sa kalooban ko....

Biyernes, Marso 23, 2012

may ginto din sa sapa

Pinag chachagaan na rin ng mgta minero ang paghahanap ng ginto sa sapa khit na konti na lang ang nakukuha dito dahil sa patuloy ang pag kaubos nito sa aming lugar. Pinapala nila ng pinapala ang lupa sa sapa papunta sa umaanud na tubig upang magadgad ito, ang pagpapagadgad ay ang patuloy na pagpapaanod ng buhangin sa umaanod na tubig upang matira ang pinaka head ng buhangin. Matapus ang dalawang oras o higit pang pagadgaran saka ito papandawin at papabirikin naminsyon ko na sa una kung blog kung anu ang pabirik. Dito papabirikin ang head at lalagyan ng kaunting asugi or mercury saka hahaluin ng hahaluin ng kamay upang mag mix ang ginto sa asugi. Paulit ulit lang ang proseso sa buong maghapun pinakamaganda na kung makakuha ng isang gramong ginto or katumbas ng isang libo pero kadalasan ay palay palay lang ang nakukuha sa maghapun na halos kumikita lang ng isang daan maliit lang peru para sa mga minero piagpaguran nila yun sa boung maghapun at masaya na rin sila dahil may pangbigas na rin siola pag uwi nila khit papaano.

proseso sa pagkuha ng ginto sa tunnel

haaaay kapagud grabe maghapun akong nag asikaso ng business papers ang pagud talaga.. San na ba tayo ayun panu nga ba nakukuha ang ginto sa tunnel? pag natuntun na ng mga minero ang mga gintong nakadikit sa bato inuumpisahan na nila itong isako at hinahakot papunta sa "ragmilan" dito ginagawa ang ang proseso sa pagbuo ng ginto. kapag nsa ragmilan na ang isang sakong bato ay isasalang na ito "drum" gawa sa bakal na pabilog. gamit ang drum papaikutin ito gamit ang makina at doon dudurugin sa loob ng drum ang mga bato sa pamamagitan ng rad na nsa loob din ng drum. Wala akong idea kung anung uri ng metal ang rad basta para itong bakal na pahaba ng bilog. lalagyan ng kaunting tubig ang loob ng drum at pag durog na ang mga bato saka ito lalagyan ng asugi, isang nakakalasong chemikal na kung tawagin sa english ay mercury. pagkatapus ng dalawang oras saka ulet gagawin ang proseso. Ibubuhos ang nadurog na bato mula sa drum na bakal papunta naman sa drum na plastic at doon bubuhos buhusan ng tubig hanggang sa pumuntad sa ilali at saka papabirikin. ang pabirik ay isang bagay na hugis payung na gawa sa kahoy. Dito na unti unting tatanggalin ang nadurog na bato hanggang sa matira ang asugi. Habang ginigiling sa loob ng drum ang mga bato ay napagsasama nito ang asugi at ang ginto. Nang makuha na lahat ng asugi saka ito pipigain gamit ang telang nagmula sa payung. Pipigain ito hanggang sa matira ang ginto. Matapus makuha ang ginto inaasido pa ito upang mas maging malinis kapag niluto at saka ito lulutuin gamit ang aseteline. Hanggang sa makita mu na ang tunay na anyo ng ginto. Pagud talaga ako  gang dito na lang muna.

Miyerkules, Marso 21, 2012

delikadong tunnel

magandang umaga, ibabahagi ko naman ngayung araw ang tungkol sa pagmimina ng ginto sa loob ng tunnel. ang pagmimina sa tunnel ay nauso mula noong naging mahirap na para sa mga minero ang magmina sa kapatagan at yun nga ay ang kompresoran. ang tunnel ay hinuhukay ng mga minero sa isang malaking bundok, ang bundok ay isang malaking bato na nababalutan ng lupa yun po ay base sa aking obserbasyun. mahabang oras, araw at buwan bago nakabuo ng tunnel ang mga minero, maraming proseso at marami ding kailangang isakripisyu tulad ng pag trabaho ng walang kinikita yun ay habang di pa nila nararating ang lugar kong saan may ginto kaya kailangan nilang magtiis at magtyaga hanggang sa tinatawag naming (bita) ang bita ay isang bahagi sa isang malaking bato na may mga kumikinang na ibat ibang uri ng pirites. (anu ba ang proseso para makabuo ng tunnel? )  una kailangan muna nila ng maraming kahoy para gawin nilang pang timber, ang pag titimber ay ginagawa ng mga minero upang mas maging matibay ang ginagawa nilang tunnel at para maiwasan na rin unti unting pag guho ng lupa, ginagawa rin nila ito upang may mahawakan sila pag sila ay nasa loob na ng tunnel. syempre kailangan din nila ng kuryente para makita nila ang loob ng tunnel at makapag trabaho ng maayus, ginagamit rin nila ang elictrisidad sa pagpapatakbu ng water pump. ginagamitan nila ng water pump ang paglilimas ng tubig sa loob ng tunnel upang maiwasan ang pagtaas ng tubig. Ang tunnel ay para ring guhit sa mapa, hindi deretso bagkus ay liko liko kaya mas nagiging mahirap yun para sa mga minero.

DALAWANG KLASE NG TUNNEL

may dalawang klase anmg tunnel' una ang ang tunnel kung sa tuk tuk ng bundok ka mag uumpisang gumawa at ang gagawing tannel ay palalim. pangalawa ay kung sa gilid ng bundok ka mag uumpisa at ang gagawing tunnel ay paderetso.

PAGLALABAS NG NAHUKAY NA MGA BATO

ang paglalabas ng nahukay na bato or tinatawag naming mack out ay ginagamitan ng (kantalaan) gamit na gawa sa kahoy pinapaikot gamit ang paa upang mailabas ang mack out, tiger waste naman ang ginagamit ng ibang minerong gumagamit ng modernung kagamitan. Ginagamitan din ng kariton kung sa tunnel na ginawa sa gilid ng bundok ang pinagmiminahan.

Marami na ring minero ang binawian ng buhay sa loob ng tunnel dahil hindi lang ang pag bagsak ng bato ang kalaban nila dito, kalaban din nila dito ang poison na nagmumula sa loob ng tunnel.  

isang karangalan

i am graduate in bsba with the major of marketing but still untill now i dont know the diffinition of marketing haha i remember my grades in marketing subject mataas na ang 2.8 skin hehe ganun pa man pinagmamalake q yun kc khit alam qng mahirap nagtyaga aq at nagtiis hind q inisip na im wasting my time, at lalung hind q inisip na mag asawa agad or mambuntis ng babae makatakas lang sa pag aaral DAHIL ALAM QNG DAIG NG MATYAGANG MAABILIDAD ANG MATALINU.... MAGANDANG GABI

panggulo

hamag yan wala ako maisip haha

fairwell minero

nag umpisa na ngang mahirapan ang mga minero sa pag hahanap ng ginto kya pag nakakatuklas ng ginto sinasagad sagad nila ang kanilang trabaho. nag umpisa na ring dumami ang nagiging minero dahil sa kakulangan sa edukasyun. bal on dito bal on doon kaya hindi namin namamalayan palubog na ng palubog ang aming barangay. dahil sa mga pangyayare marami na din ang mga minerong napapahamak dahil sa kagustuhang kumita ng malake, may nabalitaan nga ako mga minerong nagbal on sa loob ng bahay nila na namatay dahil gumuho ang lupa at natabunan sila. ganun din ang nangyare sa aking tiyo isa syang minero na pumapasuk sa ilalim ng bal on, mamanhikan na sana sya ng araw na yun kaya humirit saya na lulusong pa daw sya sa loob ng bal on at dahil sa pag pupumilit ng aking tiyo pumayag naman ang mga kasama nito. paglusong na paglusong ng tiyo ko doon na nag umpisang magbitak bitak ang lupa sa palibut ng bal on tuloy tuloy hanggang sa gumuho kasabay nun ang pag guho ng mga pangarap ng aking tiyo haaaaaaaay saklap noh ganun po kahirap ang hanap buhay ng isang minero. marami pa po akong gustong i blog nakakapagud na hehe abangan nyu na lang po salamat

talambuhay ng blogger

ako si jayson regidor may asawa at kasalukuyang my isang anak. ang barangay ng gumaus bayan ng paracale at probinsya ng camarines norte ang bayan kung saan ako ay isinilang dito rin namatay ang aking ina ilang buwan matapus akung isilang. at dahil nga pahirap na ng pahirap ang buhay sa pagmimina ng ginto nagpasya ang tatay ko na bumalik sa kanyang lupang sinilangan kasama ng aking mga kapatid, nakapag asawa po ulit ang aking tatay kaya bukod sa kuya ko nag karuon pa ako ng dalawa pang kapatid. tama po ang nabasa nyu hindi po ako kasama dahil naiwan po ako sa puder ng aking lola at lolo kasama ng aking mga tiya dahil nga po sa hirap ng buhay at d na kmi kayang pag aralin ng tatay ko kaya wala siyang nagawa kundi iwan ako. matatanda na rin po ang lolo at lola ko ng mga panahon na yun at sa kasalukuyan nga ay matagal ng nakahimlay ang aking lolo sa awa ng diyos buhay pa ang pinakamamahal kung lola. ang mga tiya ko ang nagtulong tulong para makapag tapus ako ng pag aaral at syempre gumawa din ako ng paraan para hindi maging pabigat sa kanila. nagmina ako ng ginto minsan helper sa pag chain saw ng punong kahoy haha naku paktay tayo jan iligal logging ako hehe. at hanggang sa makapagtapus ako ng pag aaral ay hindi ko nakasama tatay at mga kapatid ko ganun pa man naging masaya ako dahil nanatiling nakasuporta ang mga tiya at tiyo ko sa akin. although hindi tlaga maiiwasan ang mainggit nanatili akung matatag at nagpatuloy kaya ngayun malake ang pasasalamat ko sa mga taung nag paaral at sumuposta sa akin wala pa man akung napapatunayan dala dala ko naman ang aking diploma at ang mga natutunan ko sa aking pag aaral lalo na yung mga bilin ng aking lola haha. grabe aaminin ko isa akong imosyunal na tau hindi ko talaga napipigilan eh hehe siguro dahil na din sa pinagdaanan ko. nang makapag tapus ako sa koleheyo nag sumikap agad akong makahanap ng trabaho lumuwas ako ng manila for the first time at doon nakapagtrabaho naman ako kaya lang hindi enaugh para makaipun at para makatulung sa pamilya ko buti nalang that time may isang babaeng nagchachaga sa akin nagpapalakas ng loob ko kahit ba sa net lang kami nagkakilala hindi pa rin matatawaran ang suportang ibinibigay nya sa akin. mahirap ang buhay sa manila kaya ng mabalitaan kung may nakukuha na namang ginto sa aming barangay nagpasya nalang akung umuwi nalang muna at thanks to god i made the right decision. nagkaroon ako ng pagkakataong magkaroon ng malaking pera at syempre hindi ko naman kinalimutan ang mga kapatid at ang tatay ko tinulungay ku silang magkaroon ng pagkakakitaan. hindi ko na rin pinalampas ang pagkakataung pakasalan ang babaeng nag tyaga sa akin sa loob ng tatlong taun, pinakasalan ko sya at ngayun may isa na kaming anak, namatay man siya nananatili sya sa puso namin ng mama nya. nakatira kami ngayun dito sa legazpi at kasalukuyang nagpapatakbo ng negosyo ng aking tiya..



Martes, Marso 20, 2012

PAUBUS NA NG PAUBUS

habang tumatagal paubus na ng paubus ang nakukuhang ginto sa sapa na naging dahilan po yun upang simulan na ang pagbubungkal ng lupa. nang mga time na yun nauso ang kompresoran (uri na kaburan or pagmimina ng ginto) proseso, pagbabal on sa lupa na my malapu na malaput na tubig upang maging malaput kailangan pang lagyan ng clay or putik mahigit 7 lampus sa tau ang kailangang hukayin bago marating ang lupang my halung ginto, nakadepende pa ito kung marami or kaunti ang makukuhang ginto. Dito kailangang lumusong sa balon ng minero gamit lang ang mahabang hoose para makahinga sa ilalim ng malaput na tubig.
sa ilalim mararamdaman ng mga minero ang bigat ng tubig sabi nila masakit daw sa balat lalo na sa tainga.. kaya nga siguro maraming bingi sa lugar namin isa na ako dun haha. nung mauso ang kompresor nsa unang baitang na ako ng elementarya at nag uumpisa umpisa na din akung (magkabud) other term for minero. mga ubas ang tiniterada namin noon ubas means tira tira or tapon ng mga minero ok din naman nakakatulong na rin sa pamilya khit papaanu ahm sya nga pala sa next blog ko ikukwento q muna kung sinu ako ok lang ba yun para naman makilala nyu ako ng lubusan... hanggang dito nalang muna tau ha ...

KASAGANAAN

SABI NANG LOLO KO NOONG BATA PA DAW SYA HINDI NA DAW KAILANGANG MAG BUNGKAL PA NG LUPA PARA LANG MAKAKUHA KA NG GINTO MAGLAKAD LAKAD KA LANG DAW SA SAPA MAKAKAKITA KA NA NG SOLID NA GINTO.
KAYA NOON PA MAN NAGING PANGUNAHING HANAP BUHAY NA SA AMING LUGAR ANG PAG HAHANAP NG GINTO SABI NGA NILA ANG SARAP NG BUHAY HINDI MAHIRAP HANAPIN (NOON) NAGKAROON ANG LOLA Q NG MALALAKING ALAHAS IBAT IBANG DESIGN, NAKAPAG PATAYU DIN ANG LOLO KO NG MARMOL NA BAHAY ( NAKATAYU PA NAMAN HANGGAN NGAYUN KASO KAILANGAN NA ATANG IRENOBATE HAHA)
BANGGITIN KO NA DIN KUNG SINO ANG LOLO KO MALAY NYU KILALA NYU HAHA. ISA PO SYANG RESPETADUNG KAPITAN SA AMING BARANGAY YUN NGA LANG MAY PAGKACHICK BOY TSK LOLO TALAGA HAHA AT DAHIL SA PAGKACHICK BOY NYA MAS NAKILALA SYA SA BANSAG NA (JAPSAW) KAHIT NGA AKO TINATAWAG NILANG JAPSAW PAG NAKIKITA NILA AKO AT ALAM NILANG APO AKO NI JAPSAW HAHA. NAG SIMULA PO ANG BANSAG NA JAPSAW NOONG MAHULI NG ASAWA NG KALAGUYO NG LOLO KO SA AKTO HEHE SIGURO MAY IDEA NA KAYO KUNG BAKIT JAPSAW KUNG WALA PO SIGE SASABIHIN KO NA DIN NANG MAHULI NGA PO ANG LOLO KO AT KALAGUYO NYA SA AKTO JAPSAW PO ANG UNANG NADAMPOT NG ASAWA NG KALAGUYO NG LOLO KO AT JAJAPSAWHIN SANA LOLO KO HAHA NAKU MABUTI NA LANG AT MABILIS TUMAKBO LOLO KO HAHA (AYON PO YAN SA SURVEY KO) HINDI KO PALA NATANUNG KUNG NAKAPAGBIHIS BA LOLO KO BAGO MAKATAKBO HAHA. AY MASYADO NA PALANG MAHABA BITIN PO BA KAYO DONT WORRY POPOST KO AGAD ANG SUSUNOD NA KABANATA HEHE SALAMAT PO...
PRAYER

panginoon maraming salamat po sa pagpapatawad mo ng lahat ng mga kasalanan ng sambayanan sana po ay makita namin ang liwanag sa isat isa at magkaroon ng kapatawaran ang bawat isang nangkaroon ng mga kasalanan sa kapwa panginoon hinihiling ko po na sana ay patuloy nyo po kaming gabayan sa lahat ng oras sana po ay mawalan na din ng puwang ang kadiliman sa isipan ng sangkatauhan. kami po ay buong pusong nananampalataya sa iyo aming panginoon. AMEN.

introduction (march 20,2012)

ahm panu ko ba to uumpisahan heh....
ganito nalang uumpisahan natin sa pagpapakilala ng aking blog....
nagpasya akong gumawa ng sarili qng blogger dahil gusto qng ibahagi ang mga exciting na kaganapan sa buhay ng mga minero hind q alam qng meron ng nagbablog tungkol dto peru nasisiguro qng magiging interisado kau sa aking blog dahil ako mismo ay isa sa mga minero. actually hind lang sya puro exciting kalimitan nga puro hirap kasi hind biro ang trabaho nila dahil sa isang iglap maaari silang bawian ng buhay katulad ng nangyare sa aking uncle ska na natin pag usapan kung anung nangyare mahabang istorya yun eh hehe basta abangan nyu nlang araw araw ang mga pinakabago kung ibablog. SALAMAT PO