Miyerkules, Marso 21, 2012

fairwell minero

nag umpisa na ngang mahirapan ang mga minero sa pag hahanap ng ginto kya pag nakakatuklas ng ginto sinasagad sagad nila ang kanilang trabaho. nag umpisa na ring dumami ang nagiging minero dahil sa kakulangan sa edukasyun. bal on dito bal on doon kaya hindi namin namamalayan palubog na ng palubog ang aming barangay. dahil sa mga pangyayare marami na din ang mga minerong napapahamak dahil sa kagustuhang kumita ng malake, may nabalitaan nga ako mga minerong nagbal on sa loob ng bahay nila na namatay dahil gumuho ang lupa at natabunan sila. ganun din ang nangyare sa aking tiyo isa syang minero na pumapasuk sa ilalim ng bal on, mamanhikan na sana sya ng araw na yun kaya humirit saya na lulusong pa daw sya sa loob ng bal on at dahil sa pag pupumilit ng aking tiyo pumayag naman ang mga kasama nito. paglusong na paglusong ng tiyo ko doon na nag umpisang magbitak bitak ang lupa sa palibut ng bal on tuloy tuloy hanggang sa gumuho kasabay nun ang pag guho ng mga pangarap ng aking tiyo haaaaaaaay saklap noh ganun po kahirap ang hanap buhay ng isang minero. marami pa po akong gustong i blog nakakapagud na hehe abangan nyu na lang po salamat

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento