Miyerkules, Marso 21, 2012

talambuhay ng blogger

ako si jayson regidor may asawa at kasalukuyang my isang anak. ang barangay ng gumaus bayan ng paracale at probinsya ng camarines norte ang bayan kung saan ako ay isinilang dito rin namatay ang aking ina ilang buwan matapus akung isilang. at dahil nga pahirap na ng pahirap ang buhay sa pagmimina ng ginto nagpasya ang tatay ko na bumalik sa kanyang lupang sinilangan kasama ng aking mga kapatid, nakapag asawa po ulit ang aking tatay kaya bukod sa kuya ko nag karuon pa ako ng dalawa pang kapatid. tama po ang nabasa nyu hindi po ako kasama dahil naiwan po ako sa puder ng aking lola at lolo kasama ng aking mga tiya dahil nga po sa hirap ng buhay at d na kmi kayang pag aralin ng tatay ko kaya wala siyang nagawa kundi iwan ako. matatanda na rin po ang lolo at lola ko ng mga panahon na yun at sa kasalukuyan nga ay matagal ng nakahimlay ang aking lolo sa awa ng diyos buhay pa ang pinakamamahal kung lola. ang mga tiya ko ang nagtulong tulong para makapag tapus ako ng pag aaral at syempre gumawa din ako ng paraan para hindi maging pabigat sa kanila. nagmina ako ng ginto minsan helper sa pag chain saw ng punong kahoy haha naku paktay tayo jan iligal logging ako hehe. at hanggang sa makapagtapus ako ng pag aaral ay hindi ko nakasama tatay at mga kapatid ko ganun pa man naging masaya ako dahil nanatiling nakasuporta ang mga tiya at tiyo ko sa akin. although hindi tlaga maiiwasan ang mainggit nanatili akung matatag at nagpatuloy kaya ngayun malake ang pasasalamat ko sa mga taung nag paaral at sumuposta sa akin wala pa man akung napapatunayan dala dala ko naman ang aking diploma at ang mga natutunan ko sa aking pag aaral lalo na yung mga bilin ng aking lola haha. grabe aaminin ko isa akong imosyunal na tau hindi ko talaga napipigilan eh hehe siguro dahil na din sa pinagdaanan ko. nang makapag tapus ako sa koleheyo nag sumikap agad akong makahanap ng trabaho lumuwas ako ng manila for the first time at doon nakapagtrabaho naman ako kaya lang hindi enaugh para makaipun at para makatulung sa pamilya ko buti nalang that time may isang babaeng nagchachaga sa akin nagpapalakas ng loob ko kahit ba sa net lang kami nagkakilala hindi pa rin matatawaran ang suportang ibinibigay nya sa akin. mahirap ang buhay sa manila kaya ng mabalitaan kung may nakukuha na namang ginto sa aming barangay nagpasya nalang akung umuwi nalang muna at thanks to god i made the right decision. nagkaroon ako ng pagkakataong magkaroon ng malaking pera at syempre hindi ko naman kinalimutan ang mga kapatid at ang tatay ko tinulungay ku silang magkaroon ng pagkakakitaan. hindi ko na rin pinalampas ang pagkakataung pakasalan ang babaeng nag tyaga sa akin sa loob ng tatlong taun, pinakasalan ko sya at ngayun may isa na kaming anak, namatay man siya nananatili sya sa puso namin ng mama nya. nakatira kami ngayun dito sa legazpi at kasalukuyang nagpapatakbo ng negosyo ng aking tiya..



1 komento:

  1. birthday kahapun ng misis ko haha buti nalang nakikita sa fb ang bday ng tau kundi di ko na naman naalala hehe birthday ko lang tlaga alam ko eh hehe teka anu nga bang handa haha ala bumili lang ako ng black forest hehe sweet noh peru ako lang kumaen alam ko namang di sya kakaen nun kya yun ang binili ko para masolo ko haha ge na babaye muna .....

    TumugonBurahin