magandang umaga, ibabahagi ko naman ngayung araw ang tungkol sa pagmimina ng ginto sa loob ng tunnel. ang pagmimina sa tunnel ay nauso mula noong naging mahirap na para sa mga minero ang magmina sa kapatagan at yun nga ay ang kompresoran. ang tunnel ay hinuhukay ng mga minero sa isang malaking bundok, ang bundok ay isang malaking bato na nababalutan ng lupa yun po ay base sa aking obserbasyun. mahabang oras, araw at buwan bago nakabuo ng tunnel ang mga minero, maraming proseso at marami ding kailangang isakripisyu tulad ng pag trabaho ng walang kinikita yun ay habang di pa nila nararating ang lugar kong saan may ginto kaya kailangan nilang magtiis at magtyaga hanggang sa tinatawag naming (bita) ang bita ay isang bahagi sa isang malaking bato na may mga kumikinang na ibat ibang uri ng pirites. (anu ba ang proseso para makabuo ng tunnel? ) una kailangan muna nila ng maraming kahoy para gawin nilang pang timber, ang pag titimber ay ginagawa ng mga minero upang mas maging matibay ang ginagawa nilang tunnel at para maiwasan na rin unti unting pag guho ng lupa, ginagawa rin nila ito upang may mahawakan sila pag sila ay nasa loob na ng tunnel. syempre kailangan din nila ng kuryente para makita nila ang loob ng tunnel at makapag trabaho ng maayus, ginagamit rin nila ang elictrisidad sa pagpapatakbu ng water pump. ginagamitan nila ng water pump ang paglilimas ng tubig sa loob ng tunnel upang maiwasan ang pagtaas ng tubig. Ang tunnel ay para ring guhit sa mapa, hindi deretso bagkus ay liko liko kaya mas nagiging mahirap yun para sa mga minero.
DALAWANG KLASE NG TUNNEL
may dalawang klase anmg tunnel' una ang ang tunnel kung sa tuk tuk ng bundok ka mag uumpisang gumawa at ang gagawing tannel ay palalim. pangalawa ay kung sa gilid ng bundok ka mag uumpisa at ang gagawing tunnel ay paderetso.
PAGLALABAS NG NAHUKAY NA MGA BATO
ang paglalabas ng nahukay na bato or tinatawag naming mack out ay ginagamitan ng (kantalaan) gamit na gawa sa kahoy pinapaikot gamit ang paa upang mailabas ang mack out, tiger waste naman ang ginagamit ng ibang minerong gumagamit ng modernung kagamitan. Ginagamitan din ng kariton kung sa tunnel na ginawa sa gilid ng bundok ang pinagmiminahan.
Marami na ring minero ang binawian ng buhay sa loob ng tunnel dahil hindi lang ang pag bagsak ng bato ang kalaban nila dito, kalaban din nila dito ang poison na nagmumula sa loob ng tunnel.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento