Linggo, Marso 25, 2012

March 25.2012 Bagong minero isinilang

Noon pa man excited na akong mag karoon ng anak ng mag karoon ako ng pagkakataon nakiusap ako sa aking kasintahan na pag planuhan ito at hindi naman ako nabigo dahil agad naman itong pumayag. Dalawang taon mula nung sagutin ako ng aking kasintahan noon nang umpisahan naming bumuo ng baby, at kahit alam kung mali dahil walang basbas nang diyos itinuloy pa rin namin, isang pagkakamaling hindi ko lubus maisip na kapalit na kaparusahan. Tatlong buwan ng pabalik balik sa Diamond Hotel bago nabuo ang baby. Excited akong masyado ganun talaga siguro kahit sino. Nang dumating ang oras na manganganak na ang kasintahan ko kinakabahan akong maxado dahil kulang pa sa buwan nang mag umpisa itong mag labor halos 7 months palang ng manganak sya. Premature ang baby pero nakita ko kung gano sya kasigla di tuland ng ibang baby na premature din. Pinayagan kami ng doktor na bisitahin ang baby upang padedehin. Tuwang tuwa ako dahil nakabuo ako ng isang napaka gwapung nilalang, sabagay dapat asahan ko yun dahil ako ang ama.. teka may lakad pa ako tuloy ko bukas ....

1 komento:

  1. Im back...

    Mga isang linggo ko ding nakajaming ang baby ko tuwang tuwa ako kapag nahawak sya sa daliri ko haha sarap talaga damdamin. Kaya lang di pa siya nakakalabas ng ospital dinapuan naman sya ng sakit na naging dahilan nang kanyang pagkamatay. Sandaling kaligayahan naglahong bigla nang mga oras na yun pinilit kong itakbo sa pinaka magagandang ospital nagbabakasakaling maisalba pa ngunit nabigo ako. Ang bilis talaga ng kaparusahan sa kasalanang di ko napigilang gawin kaya nang mailibing namin si baby pinagplanuhan na namin ang aming pag papakasal at naganap yun noong October 29, 2011. Di nagtagal nabuntis muli ang aking asawa at nagyun ay pang anim na buwan na sa kanyang sinapupunan....

    TumugonBurahin